91 dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Central Visayas

Sumampa na sa mahigit 18,100 na ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 91 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 20)

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,145 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,007 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,055 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 134 dahilan para umabot na sa 14,083 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,446 cases.

 

 

Read more...