Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.88 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (August 21) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 182.67 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.57 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.43 meters habang tumaas din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.65 mas mataas sa antas nito kahapon na 78.60 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa at Caliraya dam.
MOST READ
LATEST STORIES