Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna 2,570 na

Nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, August 20, 3PM) na nakalap ng Radyo INQUIRER, 2,570 ang naitalang bilang ng active cases sa lalawigan mas mataas ito kumpara sa 2,464 na bilang kahapon.

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 147 na.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 3,297.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 6,014.

Samantala, nasa 4,513 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

 

Read more...