Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 2,819

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Miyerkules, August 19) na nakuha ng Radyo INQUIRER nadagdagan ng 65 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 2,819.

Sa nasabing bilang 1,094 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 191 kung saan 2 ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 4,104.

 

 

Read more...