LPA at Habagat magpapaulan sa Luzon

Uulanin ang malaking bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 310 kilometers North Northeast ng Casiguran, Aurora o sa layong 210 kilometers East ng Aparri, Cagayan.

Maliban sa LPA, ang buong Luzon ay apektado ng Habagat.

Dahil sa dalawang weather system ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng isolated na mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA ngayong weekend inaasahang gaganda na ang panahon.

 

 

 

 

Read more...