Masbate niyanig ng 2 may kalakasang aftershocks

Dalawang beses niyanig ng may kalakasang aftershocks ang lalawigan ng Masbate.

Sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER unang naitala ang magnitude 3.2 na pagyanig sa 14 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-12:30 madaling araw ng Biyernes (August 21) at may lalim na 1 kilometer.

Naitala naman ang magnitude 4.0 na lindol sa 11 kilometers northeast ng bayan ng Uson , ala-1:25 ng madaling araw at may lalim na 18 kilometers.

Naitala din ang instrumental Intensity 1 sa City of Masbate.

Tectonic ang origin ng mga naitalang pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Ang mga pagyanig ay aftershocks ng malakas na magnitude 6.6 na lindol noong August 18 sa Cataingan, Masbate.

 

Read more...