Kiamba, Sarangani niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER naitala ang pagyanig sa 13 kilometers southeast ng bayan ng Kiamba, alas-11:54 gabi ng Huwebes (August 20).

May lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...