Maripipi, Biliran niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Biliran.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 4 kilometers Northwest ng Maripipi bandang 6:40 ng gabi.

May lalim ang lindol na 7 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...