Pagtanggi ng mga ospital na tumanggap ng mga pasyente pinuna ni Sen. Bong Go

Hinihingi na ni Senator Christopher “Bong” Go ang paliwanag sa mga reklamo sa mga ospital na tinatanggihan ang mga hinihinalang taglay ang COVID-19.

Inihirit na ng senador sa Department of Health o DOH na ilabas na ang resulta ng pag-iimbestiga sa mga naunang reklamo.

“Has the DOH already investigated these cases? What is the status of the investigation? What are the steps taken to hold hospitals accountable for refusing to provide first aid to patients? ” tanong ng senador.

Diin niya, pinakilos na niya ang mga kinauukulang ahensiya hinggil sa pagtanggi ng mga ospital sa mga nangangailangan ng atensyong-medikal.

Ibinahagi nito ang naging karanasan ng isang dating kawani ng pamahalaan na si Richmond Rondanilla na sa kabila ng pagkakaroon ng mga sintomas ng COVID-19 ay tinanggihan ng apat na ospital hanggang sa siya ay bawian ng buhay.

Una nang iniulat ng DOH na halos 50 porsyento ng mga namatay sa COVID-19 ay hindi nagamot sa ospital.

 

 

 

Read more...