Sa pagdinig ng House Committee on People’s Participation na pinamumunuan ni San Jose Del Monte Rep. Rida Robes, lumusot ang House Bill 6297 o ang New Public Assembly Act of 2019.
Nakasaad sa panulaka ang pagbibigay ng proteskyon sa mga menor de edad sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabawal sa pagsasama sa mga menor de edad sa mga kilos-protesta.
Sabi ni Robes na bagaman sa kasalukuyang batas ay ipinagbabawal talaga ito, kanila itong mas hinigpitan sa ipinasang panukala.
Isa sa probisyon ng panukala na bigyan ng abiso o “notice” ang local government unit kung saan isasagawa ang public assembly nakasaad ang pangalan ng mga organizer, address at kanilang mga contact number at may kaakibat na kaparusahan sa paglabag dito.
Sa ilalim kasi ng kasaluyuyang batas kailangan pa ng written permit para sa isang grupo o indibidwal na magnanais magsagawa ng pagtitipon sa public places.
Nais sana ng Makabayan bloc na basta na lamang magsagawa ng pagkilos ang publiko pero tinutulan ito ni Ifugao Rep. Solomon Chungalao kung san sabi nito dapat ay kailangang may kaakibat na pananagutan sa pag-exercise ng karapatan.
Sa mga isasagawang pagkilos, iginiit ni Robes na dapat ay maximum tolerance with protection sa panig ng mga ralisyista at mga awtoridad.
Ayon sa isa sa may-akda ng panukala na si Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, draconian measure ang pag-repeal sa Batas Pambansa Bilang 880 o ang Public Assembly Act of 1985.
Positibong development anya ang hakbang na ito ng komite dahil masisiguro ang right to assemble and freedom of expression ng publiko.(Erwin Aguilon/RadyoINQUIRER)