Hinabangan, Samar niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers southeast ng bayan ng Hinabangan, alas-12:10 tanghali ng Huwebes (August 20).

May lalim na 90 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...