Mga mangingisda ng FV Liberty, kanilang pamilya tatanggap ng P1M mula sa MV Vienna Wood

Magkakaroon ng aregluhan sa pagitan ng FV Liverty 5 at sa MV Vienna Wood na nasangkot sa aksidente sa karagatang sakop ng Mamburao, Occidental Mindoro noong June 27, 2020.

Inanunsyo ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George V Ursabia Jr. na sa Lunes, August 24
magaganap ang formal settlement sa headquarters ng PCG sa Port Area, Maynila.

Ito ay makaraang pumayag ang mga mangingisdang lulan ng FV Liberty 5 na makipagkasundo sa MV Vienna Wood na nakabangga sa kanila.

Sinabi ni Ursabia ang pamilya ng 12 mangingisdang Pinoy na nawawala at 2 pang sakay ng FV Liberty 5 ay tatanggap ng P1 milyon kompensasyon bawat isa mula sa MV Vienna Wood.

Ang Irma Fishing and Trading Inc. na nagmamay-ari sa FV Liberty 5 ay tatanggap naman ng settlement amount na P40 million mula sa MV Vienna Wood.

 

 

Read more...