Base sa datos na nakuha ng Radyo Inquirer mula sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 36,364 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Karagdagan ito sa mahigit 54,700 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong July 8 hanggang July 30.
Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/2FJ6K45
ng mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.