Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PCG spokesman commander Armand Balilo, hindi sila makakilos hangga’t walang ‘order’ ang Malakanyang.
Sa ngayon aniya, wala pang ibinababang kautusan si Pangulong Benigno Aquino III.
Paliwanag ni Balilo, kaya hindi makaresponde ang PCG ay dahil sa pangambang ma-jeopardize ang kasong inihan ng Pilipinas sa The Hague laban sa China.
Kung saka-sakali aniyang ipag-utos na ng pangulo ang pagresponde sa Quirino island ay nakahanda ang mga barko ng PCG katulad na lamang ng mga 56-meter vessel nila.
Aminado si Balilo na mas maliliit ang mga barko ng Pilipinas kung ikukumpara sa mga barko ng China pero nakahanda ang kanilang hanay na idepensa ang teritoryo ng bansa.
Magugunitang limang malalaking barko ng China ang namataang naka-istasyon sa Jackson atoll na matagal nang fishing ground ng mga mangingisdang Pinoy sa Palawan at mga kalapit na lugar.