Voter registration sa Metro Manila at iba pang GCQ areas tuloy na Sept. 1

Kasama na ang Metro Manila sa magre-resume ng voter registration simula sa September 1, 2020.

Ito ay matapos na muling isailalim sa General Community Quarantine ang NCR at mga kalapit nitong lalawigan simula kahapon, August 19.

Sa impormasong nakuha ng Radyo Inquirer mula sa Commission on Elections (Comelec), magre-resume na ang voter registration maliban lamang sa mga lugar na nakasailalim pa din sa Enhanced Community Quarantine at Moderate Enhanced Community Quarantine.

Ang pagpaparehistro ay mula Martes hanggang Sabado mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Mahigpit na ipatutupad ang “No face mask No face shield, No registration policy”.

Maglalagay din ng express lane para sa PWD, senior citizens at mga buntis.

 

 

 

 

Read more...