Lalawigan ng Batanes nananatiling COVID-19 Free; mga residente normal na namumuhay

Normal na nakapamumuhay ang mga residente ng lalawigan ng Batanes.

Ang Batanes ang natatanging lalawigan sa bansa na wala pang naitatalang kaso ng COVID-19.

Sa mga larawan na kuha ni Opal E. Bala na ibinahagi ng INQUIRER.net, ang mga residente sa lalawigan ay malayang nakapananatili sa labas ng kanilang tahanan nang walang suot na face mask.

Una nang sinabi ng provincial government ng Batanes na naging maagap sila sa pagsasara sa lahat ng entry at exit points ng lalawigan.

Ito ay upang masigurong ligtas ang mga residente at hindi sila mapapasukan ng virus.

Read more...