Suspension order ng Ombudsman sa matataas na opisyal ng PhilHealth hindi pa natatanggap ng ahensya

Nakarating na sa pamunuan ng PhilHealth ang balitang sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang ilang matataas na opisyal ng ahensya.

Ayon sa PhilHealth wala pa silang nakukuhang kopya ng kautusan ng Ombudsman.

Sa impormasyong nakuha ng Radyo Inquirer mula sa PhilHealth, hindi rin umano alam ng kanilang mga opisyal kung ano ang mga kasong pinagbatayan ng Ombudsman sa kautusan.

Sinabi ng ahensya na agad silang maglalabas ng pahayag sa sandaling makuha ang kopya ng Ombudsman Order.

“PhilHealth has yet to receive a copy of the Ombudsman Order supposedly placing some of its senior officers under preventive suspension. As of this time, the concerned officers are not aware of the charges against them. We will issue a full statement as soon as we get hold of the said order,” ayon sa pahayag ng PhilHealth.

 

Read more...