Kaso ng COVID-19 sa Pateros 864 na; 84 na bagong kaso naitala

Nakapagtala ng 84 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pateros.

Sa udpate mula sa Facebook Page ng Pateros, 864 na ang total confirmed cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 317 ang gumaling at 535 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 12 na naitalang pumanaw.

Ang Barangay Sta. Ana ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso na umabot na sa 306.

Sumunod ang SR Silangan na mayroong 115 total cases.

 

 

 

Read more...