Batay sa volcano bulletin na inilabas ng Phivolcs, nagbuga din ang Mayon ng kulay puting steam-laden plumes na umabot sa 600 meters ang taas.
Noong July 23 ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan ay umabot sa 222 tonnes per day ang average.
Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.
Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal pa din ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.
May mga panganib pa rin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.
READ NEXT
Serbisyo ng Globe sa ilang bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan naibalik na sa normal
MOST READ
LATEST STORIES