Serbisyo ng Globe sa ilang bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan naibalik na sa normal

Naibalik na ang serbisyo ng Globe sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa Globe, kahapon, nagkaroon ng problema sa kanilang linya sa Dasmarinas, Cavite.

Nakaapekto ito sa wired Globe At Home, Globe Business at Globe myBusiness customers sa Laguna, Cavite, Batangas, Taguig, Paranaque, Pasay at Makati.

Pero ayon sa Globe, alas 9:00 ng gabi ng Miyerkules (Aug. 20) ay naibalik na sa normal ang kuneksyon sa nasabing mga lugar.

Ito ay matapos maisaayos ng kanilang technical teams ang naging problema.

 

 

Read more...