Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag
Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.67 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (August 20) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.72 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.43 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.56 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.60 mas mababa sa antas nito kahapon na 78.61 meters.
Samantala, ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Binga at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.