317 na OFWs galing Qatar pauwi ng bansa ngayong araw

Darating sa bansa ngayong araw ang 317 na Overseas Filipinos na galing ng Qatar.

Lulan ng chartered flight ang mga Pinoy na pinondohan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at inaasahang darating sila sa NAIA mamayang tanghali.

Kasama ring uuwi ang dalawang sanggol.

Nagpasalamat naman ang Philippine Embassy sa Qatar at ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa pamahalaan ng Qatar sa tulong na ibinigay sa mga Pinoy upang makauwi.

Ang mga Pinoy na pauwi ay kabilang sa mga naapektuhan ng pandemic ng COVID-19 at nawalan ng trabaho.

 

 

 

Read more...