2GO may libreng sakay sa mga LSI na uuwi ng Cebu

May alok na libreng sakay ang 2GO Travel para sa mga Locally Stranded Individuals na gustong umuwi ng Cebu.

Ang biyahe ay mula August 19 hanggang August 31 kung saan kwalipikado para sa libreng sakay ang mga stranded sa Metro Manila na residente ng Cebu City.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) pinapayagan na muli ang pagbiyahe, kasunod ng pagsasailalim ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).

Ang libreng sakay ay inisyatiba ng Local Government Unit (LGU) ng Cebu City, sa pakikipagtulungan sa 2GO Travel.

Para maka-avail ng libreng ticket, magtungo lamang sa pinakamalapit na 2GO Company Owned Store.

Pinapaalalahanan ang mga LSI na siguraduhing kumpleto ang travel requirements, ayon sa patakaran ng LGU.

Kinakailangan ding magsuot ng face shield at face mask sa pagbiyahe.

 

 

Read more...