Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Occidental Mindoro

Nakararanas ng malakas at patuloy na pag-ulan sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Huwebes (Aug. 20) yellow warning na ang umiiral sa naturang lalawigan.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Habagat.

Samantala, dahil naman sa Low Pressure Area, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa susunod na mga oras ang Tarlac, Zambales at Quezon.

Ganito na rin ang lagay ng panahon na nararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal.

Mahina hanggang katatamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan din ang nararanasa sa Burias Island at Aroroy sa Masbate at sa Mindoro Oriental.

Payo ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha.

Habang maari ding magkaroon ng landslide sa ga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...