Ang LPA ay huling namataan sa layong 30 kilometers North ng Daet, Camarines Norte.
Apektado naman ng Habagat ang western section ng buong bansa.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw dahil sa LPA ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, CALABARZON at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang MIMAROPA naman Western at Central Visayas at Zamboanga Peninsula ay maaring makaranas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Habagat.
Sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao, localized thunderstorms lamang ang iiral.
Ayon sa PAGASA hanggang bukas ay makararanas ng pag-ulan sa bansa dahil sa LPA.
Sa Sabado at Linggo naman inaasahan ag mas maganda nang lagay ng panahon.