Dalawang may kalakasang pagyanig naitala sa Cataingan, Masbate

Dalawang beses niyanig ng may kalakasang lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs,, unang naitala ang magnitude 3.8 na lindol sa 14 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-12:29 madaling araw ng Huwebes (August 20) at may lalim na 1 kilometer.

Naitala naman ang magnitude 3.7 na pagyanig sa 26 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Cataingan, alas-2:57 ng madaling araw at may lalim na 13 kilometers.

Ito ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na naitala sa Cataingan, Masbate noong August 18 kung saan isa ang nasawi.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...