Kalilangan, Bukidnon niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Bukidnon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northwest ng bayan ng Kalilangan, alas-11:54 gabi ng Miyerkules (August 19).

May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...