Red rainfall warning itinaas sa Cebu

Credit: PAGASA FB

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na abiso bandang 11:00, Miyerkules ng gabi (August 19), ito ay dulot pa rin ng low pressure area (LPA) at Habagat.

Nakataas ang red warning level sa Cebu partikular sa Central Cebu at Northern Cebu.

Sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga mabubundok na lugar.

Nakataas naman ang orange warning level sa Cebu (Southern Cebu) at Occidental Mindoro habang yellow warning level sa Negros Oriental at nalalabing bahagi ng Bohol.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...