Mayor ng Cataingan, umaapela ng tulong para sa quake victims

Umaapela na ng tulong para sa kanyang mga kababayan na naapektuhan ng 6.6 magnitude earthquake si Cataingan, Masbate Mayor Felipe Cabataña.

Ayon kay Cabataña, hirap na sila sa pondo dahil malaki na ang kanilang nagagasta sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Umapela na ito ng tulong para sa pagkain, tubig, gamot, construction materials at tents para sa kanyang mga kababayan.

Base sa ulat ng NDRRMC, 53 pamilya sa bayan na binubuo ng 269 indibiduwal ang naapektuhan ng lindol at marami sa mga ito ay sa mga barangay ng San Rafael, Pawican, Domorog, Poblacion at Malobago.

Sa naturang bilang, 11 pamilya ang inilikas sa Cataingan National High School.

Ayon naman kay NDRRMC spokesman Mark Timbal, nagpadala na ng relief aid sa lalawigan ng Masbate.

Aniya, ang DSWD Region V ay may nakahandang 22,705 food packs at P3 million stand-by fund.

Samantala, tinataya ng DPWH na halos P24 milyon ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura.

Read more...