Apat na MTPB officers, tinanggal sa trabaho

Tinanggal sa trabaho ang apat na Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) officer araw ng Miyerkules, August 19.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ito ay dahil sa kasong robbery/extortion.

Batay sa inilabas na memorandum, “effective immediately” ang pagsisante sa apat na MTPB officer.

Paalala ni MTPB Chief Operations Officer Wilson Chan, walang lugar ang pagnanakaw o pangongotong sa kanilang departamento.

“Lahat ng bulok na kamatis, iisa-isahin. Magbago na po kayo, zero-tolerance po tayo sa tolongges,” pahayag ni Chan.

Read more...