Sinabi ng mambabatas na mahalaga na maituro sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 12 ang pandemic preparedness upang makalikha ng isang kultura at kasanayan sa paglaban sa pagkalat ng mga sakit at impeksyon sa loob ng tahanan at sa mga paaralan.
Ito aniya ay maaaring maging bahagi ng K-12 basic education curriculum.
Makakatulong din ito sa mga pamilya upang mapaghandaan din ang mga posibleng outbreak sa hinaharap.
Maaari aniyang bumuo ng isang lesson plan ang mga guro na sesentro sa mga pagsasanay na maaaring ipasa at isama sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga pamilya.
Base aniya sa pahayag ng World Health Organization (WHO) at UNICEF na kailangang makilahok ang mga kabataan sa mga aktibidad upang maunawaan nang husto ang safety protocols na ipinapatupad tuwing may pandemic tulad ng paghuhugas ng kamay, social distancing, at tamang paraan ng pag-ubo at pagbahing.