26 pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 26 pa ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 19, umakyat na sa 9,959 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,358 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Walo naman ang bagong gumaling kung kaya 5,868 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, pito nama ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 733 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,918 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,156 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 791 naman ang kaso sa Americas at 1,094 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...