Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (August 19, 3:00 PM) nakapagtala ng 810 na bagong kaso kaya pumalo na sa 14,708 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 3,492
Laguna – 5,557
Batangas – 2,201
Rizal – 2,719
Quezon – 739
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 9,798.
Nasa 4,498 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 227 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 844
Laguna – 1,486
Batangas – 858
Rizal – 967
Quezon – 343
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng pito kaya umabot na sa 412 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 78
Laguna – 97
Batangas – 68
Rizal – 144
Quezon – 25
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay