Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Sinas na dadaan siya sa annual medical check-up sa Chinese Medical Hospital sa Lungsod ng Maynila.
Magsisimula aniya ang annual medical check-up sa araw ng Huwebes, August 20, hanggang Sabado, August 22, 2020.
Hindi naman idinetalye ni Sinas kung anong medical procedure ang gagawin sa kaniya.
Sinabi naman ni Sinas na patuloy pa rin niyang babantayan ang mga aktibidad at operasyon ng NCRPO.
Habang naka-leave si Sinas, itinalaga nito si NCRPO deputy regional director for administration Brig. Gen. Nolasco Bathan bilang officer-in-charge.
MOST READ
LATEST STORIES