Palasyo, pumalag sa akusasyong ang mga otoridad ang pumatay sa human rights leader aa Bacolod

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa akusasyon na ang mga otoridad ang nasa likod sa pagpaslang sa human rights leader na si Zara Alvarez sa Bacolod City.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang basehan ang akusasyon gaya ng pag-aakusa na ang mga otoridad din ang nasa likod sa isa pang aktibista na si Randall Echanis.

“Blaming state forces as the people behind these murders is unfounded as investigation on the killings of Randall Enchanis and Zara Alvarez is now underway,” pahayag ni Roque.

Mas makabubuti aniyang hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon.

“We denounce any form of violence perpetuated against citizens, including activists. We are a nation of laws; and violence has no place in any civilized society,” pahayag ni Roque.

Read more...