2 South Korean national na nagpanggap na kasal sa Pinay, huli ng BI

Nahuli ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Korean nationals na nagtangkang pumasok ng bansa gamit ang pekeng kopya ng marriage certificates sa Filipino.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naharang sina Shin Bumsik at Woo Jungje sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) noong August 17.

Lulan ang dalawa ng Aseana Airlines flight mula sa Seoul.

Hindi na rin aniya maaaring makabalik ng bansa ang dalawang dayuhan dahil kabilang na ang mga ito sa Immigration blacklist.

“Don’t trick our officers by presenting bogus marriage certificates because that will not work. You will be turned back to where you came from and can no longer return to our country,” babala ni Morente.

“If you lie and resort to fraud and misrepresentation, you are unfit to be given the privilege to enter our country. You will be excluded and booked on the first available flight back to your port of origin,” dagdag pa nito.

Read more...