Bilang ng PPE shipments na nai-release ng BOC 14,459 na

Nakapag-release ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit 14,400 na personal protective equipment (PPE) shipment.

Ayon sa ahensya, 11 pang PPE shipment ang nai-release noong Martes, August 18.

Nai-release ang PPE shipments sa mga sumusunod na lugar:

– NAIA – 9
– Cebu – 2

Dahil dito, sa tala ng ahensya, nasa 14,459 ang kabuuang bilang ng nai-release na PPE shipment.

Simula noong buwan ng Marso tinitiyak ng BOC ang same-day release sa mga PPE shipments na dumarating sa bansa at iba pang mga gamit na kailangan sa pagtugon sa pandemic ng COVID-19.

 

 

 

Read more...