Unified curfew ipatutupad sa buong Metro Manila

Nagkasundo ang Metro Manila Mayors na magpatupad ng unified curfew simula alas 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bunga ito ng mas mahigpit na general community quarantine na ipinatutupad dahil sa COVID-19.

Ayon kay Roque, nagkasundo ang Metro Manila mayors matapos ang pagpupulong kagabi sa National Task Force against COVID-19.

Ayon kay Roque, ini-adopt ng NTF ang rekomendasyon ng Metro Manila mayors.

Nilinaw naman ni Roque na hindi pa pinapayagan ang operasyon ng mga gym, internet cafe’, review centers, at tutorial centers.

Ayon kay Roque, sampung katao at hindi sampung porsyento ang pinapayagan sa mass gathering kasama na ang religious services.

Pinapayagan naman ang pagbubukas muli ng barberya at salon, pero ipinauubaya na sa mga LGU ang pagtukoy kung ilan ang capacity sa bawat establisyimento.

 

 

Read more...