Pondo para sa Assistance to National pinapadagdagan sa ilalim ng Bayanihan 2

Isinusulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano na dagdagan ang pondo para Assistance to Nationals (ATN) ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.

Ayon kay Cayetano, kailangang madagdagan ang budget sa ATN upang matiyak na tuluy-tuloy ang repatriation efforts, medical assistance, pagbyahe sa mga labi ng mga nasawing OFWs dahil sa COVID-19 at iba pang welfare programs para sa mga distressed workers sa abroad.

Sa ilalim ng Bayanihan 2 ay aabot ng P820 million ang budget augmentation para sa ATN fund.

Sabi ni Cayetano, mas marami pang mga OFW ang maiuuwi sa bansa pagsapit ng Setyembre hanggang Disyembre.

 

 

 

Read more...