Ang datos ay mula kahapon ng umaga nang tumama ang malakas na lindol hanggang alas 4:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules.
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum sa nasabing bilang, mahigit 100 ang nakapagtala ng may kalakihang range ng magnitude.
Hindi pa kasama sa bilang ang magnitude 5.2 na naitala alas 5:50 ng umaga.
Ang pagyanig ay bunsod ng paggalaw ng Masbate segment ng Philippine fault zone.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Solidum na na matapos ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Masbate kahapon ng umaga, ay maaring maranasan pa ang mga aftershock sa susunod na tatlong araw.
Dahil dito, pinayuhan ni Solidum ang mga residente na lisanin ang kanilang mga tahanan o mga gusali na mayroon nang mga crack at maaring hindi na ligtas.