Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 22.3 million na

Umabot na sa mahigit 22.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos hanggang umaga ng Miyerkules (Aug. 19) ay 22,302,298 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,655,974 matapos makapagtala ng mahigit 56,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 48,000 bagong kaso habang mahigit 65,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 3,411,872
India – 2,766,626
Russia – 932,493
South Africa – 592,144
Peru – 549,321
Mexico – 531,239
Colombia – 489,122
Chile – 388,855
Spain – 384,270

 

 

 

 

Read more...