UP, may bago ng campus sa BGC dahil kay Henry Sy

Mula sa inquirer.net/Eloisa Lopez

Opisyal nang tinanggap ng University of the Philippines system ang donasyon sa kanila na bagong campus mula sa pinakamalaking conglomerate sa bansa.

Ibinigay ng SM Investments Corp. (SMIC) ni business tycoon Henry Sy Sr. ang bagong University of the Philippines – Bonifacio Global City campus na nagkakahalaga ng nasa P400 milyon.

Sa ngalan ng UP system, si UP president Alfredo Pascual ang tumanggap ng bagong campus mula kay SM Prime president Hans Sy.

Sa laking 12,000 square meters, mayroong siyam na palapag ang UP-BGC na naglalaman ng 29 na mga classrooms, 3 laboratories, study area, faculty lounges, auditorium, moot court para sa mga law students, multi-purpose hall, discussion rooms, mga opisina at executive lounge.

Ito na ang ika-17 campus ng UP system sa bansa, at ito rin ang unang donasyon ng SMIC sa kanila bagaman wala ni isa sa mga anak o apo ni Henry Sy Sr. ang nag-aral dito.

Matatagpuan ang bagong campus sa 32nd street ng BGC, malapit sa C-5 highway at katabi ng International School.

Read more...