VP ng Facebook Latin America, inaresto

 

Mula sa FB/Google

Inaresto ng mga otoridad sa Sao Paolo, Brazil ang vice president for Latin America ng sikat na social networking site na Facebook

Ang pag-aresto kay Diego Dzodan ay bunsod ng pagtanggi ng opisyal na makipagtulungan na bigyan ng access ang Federal police sa data na magagamit sana sa pagsusulong ng kaso sa isang drug trafficking case.

Apat na buwan na ang nakalilipas, inutusan ng korte ang Facebook na ibigay ang pangalan o ilahad ang pagkakakilanlan ng dalawang personalidad na gumagamit ng kilalang mobile phone chat tool ng FB na WhatsApp dahil ang mga ito umano ay sangkot sa sindikato ng droga sa bansa.

Ang WhatsApp umano ang ginagamit ng naturang sindikato upang makipagtransaksyon nang hindi natutunton ng mga otoridad.

Gayunman, tumanggi ang si Dzodan na ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng Federal police kaya’t inaresto ito.

Bukod sa pag-aresto, pinagmumulta rin ang Facebook ng isang milyopng Brazilian real o katumbas ng $25,000 dahil sa patuloy na pagtanggi nito na ibigay ang impormasyon na kanilang hnihingi.

Matatandaang sa Amerika, tumatanggi rin ang kumpanyang Apple na buksan o i-hack iPhone ng suspek sa San Bernardino shooting incident na ikinamatay ng 14 katao.

Nais buksan ng FBI ang cellphone ng suspek sa krimen sa hinalang sinusuportahan nito ang Islamic State.

Read more...