Ayon kay Senator Richard Gordon na siya ring chairman ng Philippine Red Cross, nasabay ngayon pa ngayong panahon ng pandemic ang dengue season.
Dahil dito, nanawagan si Gordon sa publiko na mag-donate ng dugo sa Red Cross.
Maari aniyang pami-pamilya, magkakatrabaho o magkakaibigan ang sama-samang mag-donate.
Maaring tumawag sa hotline ng Red Cross na 143 para mag-donate.
Kung maramihan ang magdo-donate, pwedeng magtungo ang mga tauhan ng Red Cross sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES