Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas halos 18,000 na

Sumampa na sa halos 18,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 96 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 17,987 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,481 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,051 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 259 dahilan para umabot na sa 13,455 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,411 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,342
– Talisay City – 825
– Minglanilla – 464
– Consolacion – 454
Mandaue City – 2,146
Lapu-Lapu City – 2,094
Negros Oriental – 117
Bohol – 131
Siquijor – 3

 

Read more...