Pinangalanan ni police Chief Inspector Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga City police ang mga biktima sa pamamaril na sina Dr. Aid Al-Quarni, na motivational speaker at author ng mga libro ukol sa Islam
Samantala, nakilala ang isa pang nasaktan sa insidente na si Sheik Turki Assaegh, religious attaché ng Royal Embassy of Saudi Arabia.
Sa inisyal na imbestigasyon, katatapos lamang ng biktimang si Al-Qarni na magbigay ng talumpati sa Western Mindanao State University gymnasium dakong alas 8:30 ng gabi at sakay na ng kanilang service vehicle kasama si Assaegh nang paputukan ang mga ito ng mga suspek.
Tinamaan ng bala sa kanyang kanang balikat, dibdib at kaliwang braso si Al-Qarni samantalang nahagip ng bala sa magkabilang hita ang biktimang si Assaegh.
Napatay naman ng mga close-in security ang isa sa mga suspek sa pamamaril.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo sa likod ng krimen.