GSIS pinuri ni Sen. Go sa flexible loan programs

Ikinatuwa ni Senator Christopher Go ang positibong tugon ng Government Service Insurance System (GSIS) sa kanyang apela na mag-alok ng loan programs sa kanilang mga miyembro.

Inanunsiyo ng GSIS ang kanilang mga programang pautang na may ‘flexible payment terms’ para makatulong sa kanilang mga miyembro na maka-agapay sa gitna ng pandemiya.

Una nang nanawagan si Go sa GSIS na gumawa ng small loan programs, maging tuition loan programs, para matulungan ang mga pamilya sa kanilang mga bayaring pang-edukasyon at sa pagpapatupad ng online education system sa bansa.

Kasunod nito, nag-alok na ang GSIS ng Financial Assistance Loan – Educational Loan (GFAL-EL) program para mabayaran ng hanggang 100 porsiyento ng miyembro ang matrikula ng kanilang mga benepisyaryo.

Gayundin, nag-alok din ang ahensiya ng Computer Loan para sa pagbili ng computer unit ng mga miyembro na magagamit ng kanilang mga anak, maging para sa work from home arrangement.

“I am grateful that at the time when our people are still reeling from the adverse impacts of the pandemic, the GSIS leadership heeded our call and took extra steps to be of great help to their members,” ayon sa senador.

Read more...