Cebu Pacific, Cebgo domestic flights galing Maynila, babalik na

Dahil ibabalik sa general community quarantine ang Metro Manila, lilipad na muli ang mga biyahe ng Cebu Pacific at Cebgo na magmumula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Miyerkules, Agosto 19.

Sa inilabas na abiso ng Cebu Pacific, magkakaroon muli ng mga biyahe sa Cauayan, Isabela; Legazpi City; Masbate; San Jose, Occidental Mindoro; Virac Catanduanes sa Luzon.

Sa Visayas naman ay sa Cebu, Bacolod, Boaracay, Dumaguete, Iloilo, Kalibo, Roxas at Tacloban, samantalang sa Mindanao ay sa Butuan, Cagayan de Oro, Cotabato, Davao, Dipolog, General Santos, Ozamiz, Pagadian at Zamboanga.

Binabalak na ring maibalik ang mga international flight patungong Dubai, Seoul, Tokyo, Singapore at Taipei.

Nanatiling suspendido naman ang iba pang domestic at international flights.

Read more...