Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (August 18, 3:00 PM) nakapagtala ng 467 na bagong kaso kaya pumalo na sa 13,898 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 3,436
Laguna – 5,127
Batangas – 2,103
Rizal – 2,532
Quezon – 700
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 9,222.
Nasa 4,271 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 290 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 716
Laguna – 1,486
Batangas – 843
Rizal – 908
Quezon – 318
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng apat kaya umabot na sa 405 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 77
Laguna – 93
Batangas – 66
Rizal – 144
Quezon – 25
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay