Ito ay matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa nasabing bayan, Martes ng umaga.
Naitala ang magnitude 3.9 na lindol sa 4 kilometers Northeast ng Cataingan bandang 7:21 ng gabi.
10 kilometers ang lalim nito.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa City of Masbate.
Una namang tumama ang aftershock na may lakas na magnitude 4.4 sa layong 16 kilometers Southeast ng kaparehong bayan bandang 6:18 ng gabi.
May lalim ang pagyanig ng limang kilometro.
Kapwa tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang napaulat na pinsala matapos ang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES